82

Dec 30, 2017 @ 13:55

Surigao del Norte inuga ng lindol

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang Surigao del Norte nitong Sabado ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nagsimula ito ng alas-9:24 ng umaga na may epicenter sa 3 kilometro ng timog-kanluran ng Burgos.

Tectonic ang origin nito at may lalim na 15 kilometro.

Sinabi naman ng Phivolcs na walang inaasahang nasira dahil sa lindol o magbubunsod ng aftershocks.

Inuga ang ilang mga lugar sa Surigao del Norte tulad ng Burgos at Santa Monica na naitala ang Intensity IV; Pilar at Dapa (Intensity III); Del Carmen at Socorro (Intensity II); at Surigao City (Intensity I).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?