52

Dec 2, 2021 @ 16:16
By

Surgeon namali ng pinutol na binti, pinag-multa

Isang babaeng surgeon sa Austria ang pinagmulta matapos magkamali ng pinutol na binti sa isang operasyon noong Mayo.

Ayon sa ulat, isang 82-anyos na pasyente ang nagpunta sa clinic ng surgeon at naabisuhan itong kailangan nang i-amputate ang kanyang binti.

Ngunit imbis na kaliwa, ang kanang binti ng pasyente ang naputol, at nalaman na lang ito ng 43-anyos na surgeon dalawang araw matapos ang operasyon.

Nasawi na rin ang pasyente bago pa man makarating sa korte ang reklamo laban sa surgeon.

Matapos ang imbestigasyon, guilty ang hatol sa surgeon sa kasong gross negligence at pinatawan ng 2,700 Euro (P154,000) na multa.

Bukod dito, inatasan din siya ng korte na bayaran ang naulilang pamilya ng pasyente ng 5,000 Euro (P285,000).

Sa pagdinig sa kaso ay ipinaliwanag ng surgeon na may mali sa chain of command sa naturang operasyon kaya nagkaroon ng pagkakamali.

Nang tanungin kung bakit ang kanang binti ang minarkahan para putulin, ‘I just don’t know’ lang umano ang sinagot ng surgeon, na inilipat na rin sa ibang clinic. (mjd)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?