540

Mar 27, 2019 @ 16:11
By ,

Sure win! Pacquiao swak kay Spence

Kung si dating two-time world champion Gerry Peñalosa ang tatanungin ‘perfect fit’ para kay ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao si IBF welterweight titlist Errol Spence, Jr. dahil sa maganda nitong fighting style.

“He [Spence] is pretty basic in his fighting style. Good fundamentals but predictable. During Manny’s peak, Spence would not be able to touch him. But now, even at 40 years old, Manny’s speed and power would still be enough to frustrate Spence,” wika ni Peñalosa.

Kasalukuyan nasa Cebu ang dating kampeon para simulan ang kanyang grassroot project para maghanap ng mga susunod na boxing superstar na kakatawan sa bansa.

Sa tingin din ni Peñalosa, kung hindi aniya matutuloy ang ang bakbakang Pacquiao-Spence, mukhang si World Boxing Association (WBA) super welterweight champion Keith Thurman ang makakaharap nito. Pero liyamado daw si Pacman dito.

“That will be a 60-40 fight in favor of Manny,” dagdag nito.

Maraming kritiko rin ang nagsasabi na hindi na dapat matuloy ang laban sa pagitan ni Pacquiao at Spence pero iginiit ni Peñalosa na bagaman ilang beses nang natalo si Pacman ay wala ni isa rito ang nakadomina sa kanya.

Kumpiyansa rin si Peñalosa na maari pang muling manalo ang eight-division world champion kung paghuhusayan nito ang kanyang pagsasanay laban man sa kung sino na pipisil niyang makaharap – si Spence o si Thurman.

“If he trains like he did against [Lucas] Matthysse, I’m confident he will win,” pagtatapos nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?