10

May 5, 2021 @ 16:24
By

Sure sa Hall of Fame! Pacquiao best boxer na nakalaban ko – Mayweather

Walang duda, si Manny Pacquiao ang pinakamabagsik na boksingero sa ring, ayon mismo kay undefeated boxer Floyd Mayweather Jr.

Sa ‘The Million Dollaz Worth of Game podcast, nilantad ni Mayweather na ang ‘Pambansang Kamao’ ang best fighter na nakalaban niya.

“The best fighter I’ve ever fought probably was Manny Pacquiao because of his movement. He’s a hell of a fighter,” saad ni Mayweather.

Dagdag pa ni ‘Money’ Mayweather, siguradong papasok sa Hall of Fame si Pac-Man dahil sa mga nasungkit nitong panalo sa kanyang boxing career.

“And I can see why he won so many fights and I can see why he’s going down as a Hall of Famer because of certain moves that he make,” aniya pa.

Nagkaharap ang dalawa noong May 2015, kung saan nagwagi si Mayweather via unanimous decision.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?