29

By

Sure na sa F4! Comboy, Tamaraws sinuwag ang UE

Swak na sa Final Four ang kampo nina Wendell Comboy at Far Eastern University Tamaraws matapos tagpasin ang University of the East Red Warriors, 82-58, nitong Linggo para sa tumitinding UAAP Season 82 Men’s basketball tournament sa Ynares Center, Antipolo.

Dahil sa mas mataas na quotient sa 8-6 win-loss slate, ligtas na sa Final Four bid ang Tamaraws sa tulong ni Comboy na nagtala ng 17 points, apat na rebounds sa laban.

Matapos ang halftime, bumulusok pa ang Morayta-based squad sa fourth quarter nang lumamang pa ng 24 points, 67-43, 5:28 oras kontra UE.

“Who would have thought for us diba, making it to the Final Four. Walang naniwala samin but except yung mga nandun sa loob ng circle namin and of course the FEU community,” pahayag ni FEU head coach Olsen Racela.

Dagdag pa nito, “Pero we’re not done yet. Our goal every year is really to make it to the Final Four and then we move on to the next goal.”

Tumulong rin para isampa sa ika-7 consecutive Final Four ang koponan sina Royce Alforque na umiskor ng 13 points, LJ Gonzales na may 12 points, 10 rebounds, Ken Tuffin na nagtala ng siyam na puntos at Pat Tchuente na may limang puntos at 11 rebounds.

Samantala, kapos ang 16 points ni Rey Suerte, 13 points ni Alex Diakhite at 12 mula kay Jem Cruz para sa Red Warriors na tangan ang 3-10 mark.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?