31

Jul 21, 2021 @ 15:59
By

Sure champion sa Lakers! Magic nililigawan na si CP3

Kakatapos pa lang ng NBA season ay nagsimula na agad si Magic Johnson sa pagre-recruit ng superstar.

Bigong masungkit ni Chris Paul ang kanya sanang kauna-unahang NBA championship matapos matalo ang Phoenix Suns sa Milwaukee Bucks, 98-105.

Sa Game 6, si Paul ang nanguna sa Phoenix, kumayod ng 26 points ngunit kinulang sa suporta mula kina Devin Booker at Deandre Ayton.

36-anyos na si Paul, ilang season na lang ang nalalabi para makakuha ito ng kampeonato.

At tingin ni Magic, dating president of basketball operations ng Los Angeles Lakers, ito na ang panahon para sumapi si CP3 kina LeBron James at Anthony Davis.

“A big three with LeBron, Chris, and AD will equal a NBA championship!” sambit ni Johnson.

Kilalang magkaibigan si LeBron at Paul, parehong nagmula sa 2003 NBA draft class. Sa Game 5 ay nanood pa si ‘King James’ ng laro sa Finals para ipakita ang suporta kay Paul.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?