14

Nov 16, 2020 @ 16:31
By

Sure champ na! Harden balak samahan sina Durant, Irving

Kung sakaling mabuo ang Big Three ng Brooklyn Nets, matik na ang tropeo para sa koponan.

‘Yan ang tingin ni New Orleans Pelicans guard Josh Hart matapos masagap ang balita na pinag-iisipan ni James Harden na lumipat at posibleng samahan sina Kevin Durant at Kyrie Irving sa Brooklyn.

“I was already over 2020 but if James goes to Brooklyn then I’ll see yall 2022 cause they got 2021,” saad ni Hart.

Ito’y matapos ma-report sa ESPN na hindi na sigurado si Harden sa Houston Rockets, at nangunguna ang Nets sa posibleng trade destination para sa superstar.

Dati nang naging kakampi ni Harden si Durant sa Oklahoma City Thunder, ngunit wala pa sa All-Star level noon si ‘The Beard’ at sixth man lamang ng OKC.

Marami namang asset ang Nets para ipalit kay Harden, nandyan sina Caris Levert, Spencer Dinwiddie at Jarrett Allen na kapwa mga borderline star player.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?