24

By

Surada nanalasa, Team ‘Pinas wagi vs Mongolia

Tumipa si Angel Surada ng 7 points upang pasanin ang Team Pilipinas sa pagdispatsa sa host Mongolia sa salpukan ng mga bagitong team sa pag-uumpisa ng 7th International Basketball Federation 3×3 Under-18 World Cup women’s division, 20-14, Lunes ng gabi sa Ulaanbaatar, Mongolia.

Bakasan sina Camille Clarin, Ella Fajardo at Karl Ann Pingol ng 6,5 at 2 markers, ayon sa pagkakasunod, sa naging pambawing ito ng Nationals mula sa 2-22 loss sa France sa kaagahan ng kompetisyon ng limang araw na torneong matatapos sa darating na Biyernes.

Sina Fajardo at Clarin lang ang mga nakaiskor ng tig-isang puntos para sa quartet ni coach Patrick Henry Aquiono kontra sa mas matatangkad at maliliksing French.

Tengga muna ngayong Martes ang mga Pinay na basketbolista bago harapin ang Chengdu 2017 winner Czech Republic at 7-time tournament veteran Netherlands.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?