59

Jun 6, 2019 @ 11:41
By

Surada, Clarin bumida; PH nagbuslo ng 2 panalo

Pumapel na mga bayani sina Angel Surada at Camille Clarin nang maiskor ng Pilipinas ang dalawang mahirap na panalo kontra sa magkaibang karibal upang umentra sa 7th International Basketball Federation World Cup 3×3 Under-18 2019 Miyerkoles sa Ulaanbaatar, Mongolia.

Sinalpak ni 2018 Vigan Palarong Pambansa MVP Surada ang huling dalawang basket kabilang ang panlasi mula sa pasa ni Ella Fajardo para sorpresang matangay ng 14th seed Nationals ang 15-14 overtime victory kontra No. 6 seed Netherlands.

Ang tagumpay sa Pool C ng mga Pilipina dribblers ang nagkaloob kay coach Patrick Henry Aquino ng 3-1 win-loss record para makatuos sa knockout Last Eight ang pool topnotcher at No. 1 seed China sa wakas ng torneo sa Biyernes.

Una rito sa kaagahan ng araw, isang game-winning putback ang kinana ni Fil-Canadian Clarin upang makaalpas rin ang PH squad laban sa No. 19 Czech Republic, 15-14.

Ito na ang third straight win ng mga na galing muna sa paggulat din sa No. 11 host Mongolians nitong Lunes, 20-14, tapos yumukod sa parehas na araw sa No. 3 France, 2-22, sa 20-team women’s division, 5-day hoopfest.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?