7

By

Supplier, tulak arestado: ‘Party drugs’ sa condo, naudlot

Sharing is caring!

Naudlot ang inihahanda sanang ‘party drugs’ ng supplier at tulak nito matapos na maaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa isang condominium sa Mandaluyong City.

Kinilala ni PDEA Director General Aaron Aquino, ang mga nadakip na sina Herald Penaflor, supplier; at Lester P. Almadez, 35-anyos at residente ng Unit 410 Princeville Condominium, Mandaluyong City, na umano’y binabagsakan at siyang nagbebenta ng ‘party drugs’.

Sa report, dakong alas-nuwebe ng gabi nitong Enero 11, 2018, nagsagawa ng buy-bust ang mga operatiba ng PDEA-Special Enforcement Service (SES) sa pamumuno ni Director Levi Ortiz matapos na makatanggap ng impormasyon na magsasagawa ng ‘party drugs’ sa nasabing condo na nirerentahan ni Almadez.

Dahil dito ay agad na bumuo ng team si Ortiz at habang nag-aabutan ng likidong ecstasy, tablet, cocaine at salapi ay agad na dinakma ng mga nakakubling operatiba ng PDEA ang mga nabanggit na suspek.

Nakumpiska sa dalawa ang likidong ecstasy na nakalagay sa energy drink bottles; 1.6 litro ng liquid ecstasy, na nagkakahalaga ng P480,000; 70 piraso ng ng ecstasy tablet na nagkakahalaga naman ng P46,000; at anim na pakete ng cocaine na nagkakahalaga ng P140,000, na may total na P666,000.

“We cannot discount the possibility that a new variety of ecstasy which is blended with cocaine is doing the rounds in bars and clubs. You could imagine its potency compared to the other mainsteam drugs,” paliwanag ng PDEA chief.

Sina Penaflor at Almadez ay nakapiit ngayon sa PDEA-SES habang inihahanda ang kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165, o Comprehenmsive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?