49
droga
By

Supplier ng droga ng mga call center agents, todas sa Cainta

Sharing is caring!

Tapos na ang pagsu-supply ng droga sa mga call center agents matapos manlaban at mapatay ang isang kilalang drug pusher sa ikinasang buy bust operation, kahapon ng madaling araw sa Cainta, Rizal.

Nakilala ang nasawi na si Randy Miranda y Magat, nasa hustong gulang at residente ng Cainta matapos magtamo ng tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan.

Batay sa report, ikinasa ang buy bust operation bandang 12:30 kahapon ng madaling araw sa Morning Glory St, Barangay San Isidro, Cainta, Rizal matapos magpositibo ang Cainta Police na nasa lugar ang suspek.

Isang pulis ang umaktong buyer at nakipagtransaksyon sa suspek na kung saan ay bibili ng shabu sa halagang Php1000.00 at nang ibibigay na ang droga ay agad na naglabasan ang mga pulis kaya agad na tumakas ang suspek sabay paputok ng baril kaya lumaban din ng putok ang mga pulis.

Nakumpiska mula sa suspek ang 22 piraso ng plastic sachets na naglalaman ng shabu o nasa tinatayang 100 gramo ang nakuha, isang 38 revolver na puno ng bala at Php1000.00 bilang marked money. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?