79

Sep 13, 2021 @ 14:45
By

Suporter ni Mayor Sara pinapa-atras si PDuterte

Nais ng mga sumusuporta kay Davao City Mayor Sara Duterte na umatras si Pangulong Rodrigo Duterte sa plano nito na tumakbo sa pagkabise presidente sa 2022 elections.

Sa opisyal na paglulungsad ngayong Lunes, iginiit ng citizen’s movement na Hugpong Para kay Sara (HPS) na si Mayor Duterte ang dapat na pumalit sa kanyang ama.

Naniniwala si dating Davao del Norte Governor at HPS Chairman Anthony Del Rosario na makikita ng Pangulo ang public clamor para sa kanyang anak na maging susunod na presidente.

“We hope we will be able to convince the President to reconsider his plans for 2022,” sabi ni Del Rosario.

Patuloy umanong dumarami ang mga sumasali sa HPS na ngayon ay mahigit sa 10,000 na ang miyembro.

Nauna ng sinabi ni Mayor Duterte na isang Duterte lamang ang tatakbo. Sinabi ng alkalde na hindi na ito tatakbo matapos magsabi ang kanyang ama na tatakbo ito sa pagkabise presidente.

“As the newly-appointed leaders of this movement, aside from trying to convince Mayor Sara to run for the highest post in the land, we want to respectfully persuade President Duterte not to run. This way, the country gets the benefit of considering the best candidate for the job, and that is her daughter,” dagdag pa ni Del Rosario.

Bukod sa pagkumbinsi kay Mayor Duterte na tumakbo, sinabi ni House Deputy Speaker at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera na tutulong ang movement sa paghahanap ng solusyon sa mga problema ng bansa.

“We share a common aspiration – to effect true and lasting change for the country. We believe Mayor Sara is the perfect person to be President, with her personality and being confident, yet quiet and reserved pero palaban at may totoong malasakit para sa bayan,” sabi ng lady solon. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?