124

Oct 7, 2021 @ 17:10
By

Suportado si Leni? Angel nagsuot ng pink dress

Mukhang si Vice President Leni Robredo ang susuportahan ni Angel Locsin sa darating na eleksyon.

Matapos kasi ang anunsyo ni Robredo na tatakbo siyang pangulo ngayong Huwebes ay nag-post sa Facebook si Angel habang nakasuot ng pink dress.

Nag-post din ang aktres ng mensaheng “women will lead” na may pink background.

Matatandaang nagkaisa ang mga supporter ni Robredo na magsusuot ng pink ngayong araw bilang suporta sa pagtakbo ng Pangalawang Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?