88
harry-roque
Mar 22, 2018 @ 16:52
By

Suporta ng Russia sa pagkalas ng PH sa ICC, ikinatuwa ng Palasyo

Nagpaabot ng pasasalamat ang Malacanang sa ipinakitang suporta ng Russia sa pagkalas ng Pilipinas sa membership sa Rome Statute na lumikha sa International Criminal Court.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, na inaasahan na nila ang pagkampi ng Russia dahil sumunod na rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa iba pang mga bansa na kumalas sa ICC.

Hindi aniya nag-iisa ang Pilipinas sa naging desisyon dahil maging ang South Africa ay nagbabalak na ring umalis sa ICC.

“That’s to be expected, and we’d like to thank Russia for such a comment. The President has said that he is enjoining other countries of the world to withdraw from the ICC. I have read reports that countries like South Africa, although it has relented from its earlier decision to withdraw from the court, will initiate withdrawal proceedings again. So, the Philippines is not alone,” ani Roque.

Ang Russia , China at Estados Unidos, na mga pinakamalalaking bansa sa mundo ay hindi miyembro ng ICC.

Sinabi ni Roque na naiintindihan ng Russia ang sentimyento ni Pangulong Duterte partikular ang pilit pagdidiin sa kanya ng ICC at United Nations Commission on HUman Rights sa isyu ng extra judicial killings sa bansa.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte na walang hurisdiksiyon ang ICC para isailaim siya sa paglilitis dahil hindi sinunod ang mga nakapaloob na panuntunan sa tratado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?