457

Oct 11, 2021 @ 14:20
By

Suporta kay VP Leni minaliit ng mga Manila solon

Minaliit ng dalawang kongresista na sumusuporta kay Manila Mayor Isko Moreno ang umano’y pagbuhos ng suporta kay Vice President Leni Robredo ng magdeklara itong tatakbo sa pagkapangulo noong nakaraag linggo.

Ayon kay Manila Rep. Rolando Valeriano hindi totoo na bumuhos ang suporta kay Robredo dahil ang mga nagpahayag ng suporta sa kanya ay dati na rin niyang mga kasama.

“Pinalabas na may pagbuhos daw ng suporta sa Pink, puro social media blitz lang pala. Ang totoo there was really no groundswell of support, lalo na mula sa mga masa,” sabi ni Valeriano sa isang pahayag.

Wala umanong bagong grupo o personalidad na lumipat kay Robredo kundi ang mga naroon ay “sila sila pa ding mga LP (Liberal Party) mula sa simula.”

“You can cover yellow with pink all you want but the public is smart to know that it’s just the same banana,” dagdag pa ni Valeriano.

Ayon naman kay Manila Rep. Yul Servo pinaghandaan at hindi biglaan ang ipinakitang suporta kay Robredo sa Iloilo at Negros Occidental.

“Yung motorcade was very organized. May ready t-shirts na, printed stickers and ribbons at mga pink na campaign paraphernalia. Minutes after her declaration, ready na lahat agad. Ano yun magic lang?” sabi ni Servo.

Ayon kay Servo sa simula pa lamang ay wala nang pag-asa na magkaroon ng unity ticket dahil talagang gusto ni Robredo na tumakbo.

“I was not surprised that the supposed unity talks with (Sen. Manny) Pacquiao, (Senate President Tito) Sotto, (Sen.Dick) Gordon and (Manila Mayor) Isko (Moreno) by VP Leni bogged down because she wanted to run for President all along,” dagdag pa ni Servo.

Gayunpaman, wish umano ng dalawang mambabatas ang “all the best” para kay Robredo. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?