20

Feb 14, 2021 @ 18:15
By

Suplay ng COVID-19 vaccine limitado, PH nangangapa – Galvez

Nilinaw ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez na kasalukuyang umaarangkada pa rin ang paglakad niya sa mga negosasyon ng supply agreement sa mga manufacturer ng COVID-19 vaccine ngunit aniya, limitado lang kasi ang supply ng bakuna kaya mabagal ang pagpoproseso nito.

Dagdag pa rito, inihayag ni Galvez sa isang panayam ng ANC na kumplikadong proseso ang mga supply agreement dahil kailangan pa nitong magpresenta ng mga detalye hinggil sa pagbayad at petsa ng delivery.

Sa kabilang banda, tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque na nakumpleto na umano ng pamahalaan ang unang set requirement para sa COVAX vaccine.

“The entire vaccine cluster, with our Vaccine Czar Sec. Charlie Galvez at the helm, is doing everything to secure cost-effective vaccines for the Philippines at the soonest possible time. In the meantime, with the arrival of vaccines from the COVAX Facility just around the corner, our attention and efforts are focused towards ensuring the country’s readiness to roll out the vaccines,” aniya sa isang pahayag.

“As the entire government prepares for the COVID-19 vaccination, I call for the cooperation of everyone in addressing the persistent issue of vaccine hesitancy–we want everyone to be assured that vaccines are safe and effective. I further call on the public to continue strict and proper adherence to our Minimum Public Health Standards. Yes, vaccines will afford us a certain degree of protection, but we emphasize that prevention remains to be the best strategy to combat COVID-19,” dagdag pa ni Duque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?