20

By

Suplay ng bigas, bagsak pa rin – PSA

Sharing is caring!

Mababa pa rin ng 18 porsiyento ang stock ng bigas sa bansa, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa inilabas na datos ng PSA noong Setyembre, ang stock ng bigas ay 1.2 metric tons, mas mababa ng 17.91 porsiyento kumpara noong Setyembre 2017.

Kung ikukumpara ito sa naitala noong Agosto mas mababa pa ito ng 23.19 porsiyento.

Ang pagbaba ay bunga ng pananalasa ng bagyong Ompong na nagresulta sa pagkakasira ng P27 bilyong halaga ng mga produktong-agrikultura.

Samantala, umangat naman ng halos 70 porsiyento ang naka-imbak na bigas ng National Food Authority dahil sa pagdating ng mga imported rice.

Ngunit bumaba naman ng 11.44 porsiyento ang rice stocks sa mga bahay at 33.64 porsiyento naman sa mga commercial warehouses.

Sa isinagawang imbentaryo noong Setyembre, higit sa kalahati ay nasa mga kabahayan, 38.25 porsiyento ang mga nasa bodega at ang natitirang 9.51 porsiyento ay nasa NFA warehouses.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?