16
sugar
By

Suplay ng asukal bumaba, presyo tataas – SRA

Sharing is caring!

napipintong pagtaas ng presyo ng asukal dahil sa kakulangan ng suplay nito sa bansa.

Ayon kay Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Hermenegildo Serafica, ito ay kung hindi mag aangkat ng karagdagang suplay ng asukal ang gobyerno.

Ibinahagi ni Serafica na bumaba ng 14 porsiyento ang produksyon ng asukal sa bansa kumpara noong nakaraang taon at aniya ito ay dahil sa masamang panahon sa bansa.

Sinabi pa nito na isa din dahilan ang pagtatanim ng maraming magsasaka sa Bukidnon ng sagin at pinya sa halip na tubo.

Bumaba din ang suplay ng asukal sa bansa dahil asukal na ang ginagamit ng mga softdrinks manufacturers sa halip na corn syrup.

Noong nakaraang linggo, dagdag pa ng opisyal tumaas na sa P2,000 mula sa P1,750 ang bentahan ng asukal bagamat aniya hindi pa naman nagbabago ang retail price nito.

Pinagbabalakan ng SRA na makapag-angkat ng 200,000 metriko tonelada ng asukal at kalahati pa nito ay para sa mga gumagawa ng softdrinks at iba pang matatamis na inumin sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?