9mm

Supervisor ng ramen resto sa Makati, patay matapos barilin

Sharing is caring!

Nasawi dahil sa tinamong tatlong tama ng bala ng baril ang supervisor ng isang ramen house sa Makati City.

Kinilala ang nasawi na si Mark De Jesus, na agad binawian ng buhay nang pagbabarilin ng ‘di pa nakikilalang suspek.

Sa kuha ng CCTV, binaril ng nag-iisang suspek si De Jesus pagkalabas nito sa kusina para linisin ang mesa ng customers.

Nang humandusay na ang biktima ay naglakad lang na umalis ang salarin patungong Gil Puyat Avenue.

Ayon sa inisyal na ulat, gusto talagang patayin ang biktima at hindi pagnanakaw ang motibo sa krimen.

Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng 9mm pistol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?