33

‘Supermoon’ lilitaw sa kalangitan sa Disyembre

Sharing is caring!

Magkakaroon umano ng ‘supermoon’ o isang pangyayari kung saan ang full moon o new moon ay mas malapit sa mundo na nagreresulta ng pagiging malaki nito kumpara sa regular na sukat kung makikita sa kalangitan.

Ayon sa Time, sa Linggo o Disyembre 3 nitong taon ay masisilayan sa kalangitan ang ‘supermoon’.

Lalapit umano ang buwan sa Earth ng alas-kuwatro ng madaling-araw ng Disyembre 4 ngunit mas maganda itong pagmasdan matapos ang paglubog ng araw ng Linggo ng gabi kung saan mas higit na makikita ang ‘moon illusion’ nito.

Ang ‘supermoon’ sa Linggo ay ang una at huli na kayang makita ng ating mga mata ngayong 2017, ngunit magkakaroon muli ng ‘supermoons’ sa Enero 2 at Enero 31 ng susunod na taong 2018.

Ang pambihirang pangyayari na ito ay nagaganap kung kailan ang buwan ay nasa pinakamalapit na punto ng Earth orbit kasabay na rin ng paglinya ng mundo, buwan at araw sa isa’t isa kaya nagkakaroon ng full moon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?