36

By

Superliga: Daquis, Paat ikokonekta ang Cignal

Sharing is caring!

Puntirya ng Cocolife Asset Managers at Cignal HD Spikers na makuha ang unang puwesto sa team standings sa pagsalang sa magkahiwalay na asignatura ngayong araw sa pagpapatuloy ng Chooks-to-Go-Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference sa Strike Gym sa Bacoor City.

Unang sasalang ang HD Spikers kontra Smart-Army bandang alas-4:30 ng hapon na pangungunahan ni Rachel Anne Daquis at Mylene Paat na kamakailan lang ay nagpakitang-gilas sa una nilang laro kontra UE-Cherrylume.

Susundan agad ng labanang Cocolife at Sta. Lucia Lady Realtors, na pakay masundan ang kanilang matagumpay na simula kontra UE noong Lunes.

Ayon kay Cocolife coach Moro Branislav, ang laban nila kontra UE ay isang ‘acid test’ dahil ang kanyang koponan ay binubuo ng mga batang player sa pangunguna ni Gyra Barroga.

“I understand that this is a new life for Cocolife. Completely different situation and different sets of players,” ani Branislav.

Dagdag pa nito na hindi na sila pwedeng maging kumpiyansa gaya ng naging laban nila sa UE dahil halos malalakas ang kanilang makakatapat.

Samantala, patuloy na hindi makakapaglaro ang stalwarts ng Sta. Lucia na sina Jhoanna Maraguinoto dahil sa iniinda nitong muscle strain, Toni Rose Basas dahil sa re-evalution ng kanya infected ear operation habang si Rica Rivera naman ay dahil sa kanyang tinamong knee injury sa UAAP.

Natalo ng Smart-Army ang Sta. Lucia sa loob ng tatlong sets sa unang paghaharap nito noong Lunes.

Kahit hindi makakapaglaro ang mga pambato ng Lady Realtors, kumpiyansa pa rin si head coach George Pascua na kakayanin nila ito sa pangunguna nina MJ Philipps, Pam Lastimosa at Rebecca Rivera.

“We are still confident. My remaining players are very capable to take bigger responsibilities. We just have to lessen our errors in the coming games,” ani Pascua. (Fergus Josue, Jr.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?