60

By

‘Super typhoon’ Jebi nanalasa sa Japan

Sharing is caring!

10 ang patay habang ilandaang pasahero ang na-stranded sa pagragasa ng typhoon ‘Jebi’ sa Japan nitong Miyerkoles, Setyembre 5.

Ang super typhoon na Jebi ay pinaniniwalang pinakamalakas na bagyo na tumama sa bansang Japan sa nakalipas na 25 taon na nagbunsod ng ilang pagbaha at flash flood, landslide at iba pang kalamidad.

Halos 3,000 turista ang napilitang magpalipas ng gabi sa Kansai Airport dahil sa pagbaha sa rehiyon at pagtigil ng ilang airport sa pagpapalipad ng eroplano.

Agad namang umaksyon ang gobyerno ng Japan sa mga naistranded na pasahero sa Kobe Airport na inilipat gamit ang kanilang mga naglalakihang bus at speedboat.

Ayon kay Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga, 300 katao ang nasugatan at sarado pa rin ang ilang kalsada. Halos 1.2 milyon kabahayan naman ang nawalan ng kuryente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?