51

Oct 25, 2020 @ 17:43
By

‘Super Twins’ ni Jennylyn balik telebisyon

Muling mapapanood sa small screen ang sikat na fantasy serye ng GMA na ‘Super Twins’.

Inanunsyo ng aktres na si Jennylyn Mercado na ipalalabas sa GMA Heart of Asia ang naturang serye na pinagbidahan niya kasama si Nadine Samonte.

“Surprise! Guess what mga Kapuso… magbabalik ang #SuperTwins sa GMA Heart of Asia. Abangan niyo po!” ayon sa Facebook post ni Jennylyn.

https://www.facebook.com/JennylynMercadoOfficial/posts/10160083211448942

Sa naturang serye, nagiging superhero ang karakter nina Jennylyn at Nadine, at busy sa pagtulong sa mga nangangailangan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?