97

May 31, 2020 @ 17:03
By

Super sipa ang baby! Tiyan ni Coleen maumbok na

Proud na pinakita ni Coleen Garcia ang kanyang baby bump ngayong 25 weeks na ang kanyang pagbubuntis.

Sa Instagram post ni Coleen, sinabi nito na ‘in love’ siya sa kanyang maumbok na tiyan para sa panganay nila ng mister na si Billy Crawford.

Sey pa ng Kapamilya actress, sobra daw kung sumipa ang kanilang baby sa kanyang sinapupunan.

“[E]ven though the little one kicks so much it makes me kinda queasy lol I still find it so amusing and nakakakilig. Enjoying every step of this journey!!” caption ni Coleen.


Noong May 1 ay inanunsyo nina Coleen at Billy ang pagbubuntis ng una na nasa ikalimang buwan na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?