14
donovan1
By

Super rookie Mitchell mambubulabog sa PHL

Sharing is caring!

Bibisita sa bansa ang isa sa pinakamahusay na rookie sa nakaraang season ng NBA na si Utah Jazz guard Donovan Mitchell sa Linggo, Hunyo 17.

Pinangalanang ‘Spida in Manila Tour’, parte ito ng kampanya ng Adidas Philippines na gawing inspirasyon si Mitchell sa lahat ng basketbolistang Pinoy sa bansa.

“From claiming the 2018 Slam Dunk Champ title to leading in the 2018 NBA Rookie of the Year race, Donovan Mitchell has really inspired our basketball-crazy country and we can’t wait to welcome him to the Philippines,” ani Jen Dacasin, Brand Communications at Sports Marketing Manager ng Adidas Philippines.

Ito ang unang pagbisita ng 21-anyos sa bansa na kaagad sumikat nang pangunahan ang lahat ng rookie sa scoring average na 20.5 puntos at magiging karibal ni Sixers guard Ben Simmons para sa Rookie of the Year award.

Iaanunsiyo ng adidas sa mga susunod na araw sa kanilang socmed ang mga lugar na dadayuhin ng tinaguriang ‘The Spida’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?