296

Dec 2, 2017 @ 14:52
By

Super Lotto jackpot, nadale ng taga-Makati

Masayang ipinamalita ng tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na isang masuwerteng tumatangkilik ng lotto ang nakadale ng jackpot sa Super Lotto 6/49 na binola noong Nobyembre 30, 2017.

Isang mananaya mula sa Makati City umano ang nanalo ng jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na umabot sa P41,251,012.00.

Ayon kay PCSO General Manager Alexander Balutan, ang napanalunang ticket ay nabili ng hindi pa nakikilalang tumatangkilik sa lotto sa outlet ng Colortek na matatagpuan sa No. 1053 A.P. Reyes Avenue, Makati City.

Ang Super Lotto 6/49 winning combinations ay 28-03-23-32-29-02 at ito ay binobola tuwing Linggo, Martes at Huwebes na mapapanood nang live sa PTV-4 tuwing alas-nuwebe ng gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?