150

Apr 12, 2019 @ 14:57
By

Super Lotto 6/49 jackpot prize, sampa na sa P98M

Tumaas na sa P98 milyon ang jackpot prize ng Super Lotto 6/49 matapos na wala pa ring nakadale nito sa naganap na draw noong Huwebes.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), wala pang nakakadale sa winning combination na 14-16-28-17-23-37 na may jackpot prize na P93,198,466.

Subalit mayroon namang 16 mananaya ang nakakuha ng limang numero at nanalo ng consolation prize na P54,080 bawat isa.

Samantala, wala pa ring nakahagip sa Grand Lotto 6/55 na umabot na sa P115 million ang jackpot prize sa magaganap na draw sa Sabado.

Binobola ang Super Lotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?