21
chess4
By

Super GM Grandelius, panis kay IM Dimakiling

Sharing is caring!

Sumalo sa second place si IM Oliver Dimakiling matapos kalusin si Super Grandmaster Nils Grandelius ng Sweden sa Round 6 ng 2nd Sharjah Masters International Chess Championship na ginaganap sa Sharjah Chess Club sa Sharjah, United Arab Emirates, Lunes ng gabi.

Nakalikom si Davao City native Dimakiling, (Elo 2412) ng limang puntos, matapos ang 56 moves ng Petroff Defense kontra Grandelius, (Elo 2652) sa event na ipinatutupad ang nine-round Swiss system.

Malaki ang tsansa ni Dimakiling na masikwat ang third at final norm kaya naman kailangan nitong manalo nang manalo sa tatlong natitirang laban.

Ang ibang five pointers ay sina GMs S.P. Sethuraman ng India, Jones Gawain ng England, Eltaj Safarli at Arkadij Naiditsch ng Azerbaijan.

Solo sa unahan si GM Parham Maghsoodloo ng Iran.

Sunod na makakalaban ni Dimakiling sa Round 7 si Safarli.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?