175

Nov 5, 2017 @ 16:09

Super dredger ng China, nakakaalarma

Inilunsad ng China ang pinakamalaking dredging vessel na tinawag nitong Tian Kun Hao, ang tinaguriang “Asia’s most powerful island maker”.

Agad namang nagpahayag nang pagkaalarma si Magdalo Partylist Rep.Gary Alejano sa pinakabagong karagdagan sa maritime arsenal ng China na aniya’y lalo pang magpapalakas sa kakayahan ng China na magtayo ng artificial islands.

“It would make it easier for China to build artificial islands and reclaim more reefs. Take for instance what China did when it reclaimed its seven reefs in 2013 to 2016. Given the earlier aggressive reclamation activities of China, one cannot help but be alarmed on what this massive dredger could do,” paliwanag ni Alejano.

Base sa mga ulat, ang Tian Kun Hao ay may sukat na katumbas ng siyam na basketball courts at kayang maghukay ng hanggang 6,000 cubic meters kada oras at lalim na 35 metro.

Sabi ng kongresista, ipinakikita lamang ng China kung gaano ito ka-determinado na angkinin ang South China Sea. Patunay rin anya dito ang mga kaso nang harassment sa Pag-asa Island nitong mga nakalipas na buwan.

Kasunod nito’y muling giit ni Alejano na kumilos na ang gobyerno bago pa mahuli ang lahat.

“Hand in hand with this, the Duterte administration must set and clarify the country’s strategic direction for the West Philippine Sea before it is too late. Silence and inaction to Chinese incursions in our Exclusive Economic Zone in exchange of loans and trade gains will hurt the country’s national interests in the long run,” pagtatapos ng kongresista. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?