135

Dec 7, 2017 @ 16:22
By

‘Super Boy’ Dayao papasikat

Muling sasabak ang 10-taong gulang na tinaguriang Super Boy ng Pilipinas na si Jose Dayao III ng Cyber Muscle Team sa 2017 Philippine National Raw Bench Press Championships sa Robinsons Mall-Malabon City, sa Linggo, Dec. 10.

Isa sa ipinagmamalaki ng mga taga-Barangay San Isidro sa Galas, Quezon City si Dayao dahil sa angking lakas at naging prinsipe nang dominahin ang ang 33kg weight class boys developmental division sa isang torneo kamakailan lang.

Nagbuhat siya sa squat ng 55kg, bench press ng 35kg, deadlift ng 75.5kg pa-total 162.5kg tungo sa pagbasag ng Philippine record nina Jan Michael Jagnaan ng University of the East at Ronnel Nerza ng Leyte Sports Academy (LSA).

Nailista din niya ang 342.602 wilks points para maiuwi ang gold medal at best lifter award.

Ayon kahapon kay Powerlifting Association of the Philippines director Cirilo Dayao, lalahukan ang torneo ng lampas 100 lifters mula sa iba’t ibang gym at eskuwelahan sa bansa.

Ilan sa mga kasali ay ang ang New Era University, UE, University of Sto. Thomas, College of Saint Benilde, University of the Philippines, Carlos Albert High Shool, Chevalier School, Dasmariñas, San Benildo Rizal, TCC College, SEAITT, Krus Na Ligas High School, 3 Health Nutz, Teresa Bodyworx, Kinetix, FNB, Chopain, Heavy Hitters Gym, Zest Power gym, Cyber Muscle Gym, Legarda Elementary School at iba pa. (Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?