1,806

May 7, 2020 @ 17:22
By

Supalpal si Usec! Reaksyon ni Goma sa pagsasara ng ABS-CBN, patok sa mga netizen

Trending ang naging sagot ni Ormoc City Mayor Richard Gomez sa tanong ni Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio.

Sa isang public briefing online, binalik ni Gomez ang tanong kay Usec. Ignacio nang tanungin ang dating “Palibhasa Lalaki” actor kung ano ang masasabi nito sa tigil-broadcast ng ABS-CBN.

“Anong mensahe ninyo sa network at kapwa artista n’yo sa nangyari sa ABS-CBN?” tanong ni Ignacio.

Nag-reply si Gomez dito ng: “Nako, baka mas maganda yata kayo sasagot niyan dahil kayo sa gobyerno ang nagpahinto sa pag-broadcast ng ABS-CBN.”

Narito ang reaksyon ng ilang netizen sa panalo raw na sagot ng isa ring aktor na si Goma.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?