178

Jul 22, 2019 @ 17:16
By

Suot ni Panelo, inspired ni Bikoy?

Ang maulang panahon ang naging palusot ni Presidential spokesman Salvador Panelo sa fashion statement nito kung saan mayroong disenyo ng naka-hood na tulad ng kay alyas Bikoy at puting bulaklak ang suit nito.

Agaw-pansin si Panelo sa Kamara matapos makita ang mga disenyo sa kanyang suit pagpasok pa lamang nito sa lobby ng Batasang Pambansa at pinagkaguluhan ng mga miyembro ng media.

Pero sinabi ni Panelo na ordinaryong coat lamang ang suot nito at inilagay lamang ng mananahi na gumawa ng kanyang suot.

“There’s nothing what… whatever you want to — it’s an ordinary coat. Weather, rainy, rainy season kaya merong ano.”

“No, it’s not that I want it; it’s the tailor who made it. I think he has an artist who painted it or drew it,” ani Panelo.

Tatlong naka-hood at dalawang bulaklak ang nasa kaliwang bahagi ng kulay itim na coat ni Secretary Panelo.

Matatandaang palaging binibiro ni Pangulong Rodrigo Duterte si Panelo sa kanyang mga talumpati na tinawag pang “debonaire” cabinet member dahil sa mga nakakatawag pansin na isinusuot nitong damit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?