296

By

Sunshine, Teresa hindi pinag-uusapan si Cesar

Ang gandang makita na magkasundo ang dalawang ex ng aktor na si Cesar Montano na sina Sunshine Cruz at Teresa Loyzaga.

Unang nakarelasyon ni Cesar si Teresa at si Diego Loyzaga ang naging bunga ng pagsasama nila noon. Dati namang kasal si Cesar kay Sunshine kung kanino meron siyang tatlong anak na babae.

Nagkasama ang dalawa sa naganap na fashion show ng local fashion brand na Bench kunsaan parehong endorsers ang mga anak nila na sina Diego Loyzaga at Angelina Isabelle Montano.

“Always happy to see you @teresaloyzaga. Diegs! Know that Tita Shine and your three sisters are very proud of you. We ❤️you Tong and @diegoloyzaga” caption ni Sunshine sa Instagram post niya.

Nag-post din si Teresa sa kanyang IG account: “#PROUDMUMS @sunshinecruz718 @angelinaisabele @diegoloyzaga #BenchOJdailywear @benchtm.”

Ang tanong ay kung napag-uusapan ba nila ang mga issue ngayon kay Cesar?

Kapwa nasa bakuran na ng GMA-7 sina Sunshine at Teresa. Bida si Sunshine sa teleserye na Kapag Nahati Ang Puso at si Teresa naman ay kasama sa upcoming na My Special Tatay.

Pareho ngang ‘Hot Mamas’ sina Sunshine at Teresa. Sa kanilang edad ngayon, kaya pa rin nilang ibalandra ang kanilang mga katawan. Keri pa rin ng dalawa na mag-bikini selfie dahil super alaga nila ang kanilang figure.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?