40

May 13, 2021 @ 16:28
By

Sunshine pina-report mga bastos na FB page

Inaksyunan ng aktres na si Sunshine Cruz ang pangbababoy na ginawa ng ilang Facebook pages sa kanyang pamilya.

Nitong Mayo 11 ay tinawag ni Cruz ang atensyon ng publiko na i-report ang ilang Facebook pages na inedit ang kanilang family picture.

Sa nasabing edited na larawan ay pinalitan ang mukha ng kanyang partner na si Macky Mathay.

Ang pinalit sa orihinal na mukha ni Macky? Ang mukha ni Johnny Sins – isang porn actor.

“Sa mga hindi aware, Macky’s face was edited. Binago at ginawang porn actor. The comments as you can see are disgusting,” pahayag ni Sunshine sa kanyang Facebook post.

“Let’s not tolerate this kind of behaviour here on Facebook. Sadly, it is so easy for others to say nasty things on social media. Which reveals the person they are. They must’ve forgotten na may mga babae din silang kapamilya,” dagdag pa ng aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?