162

Dec 16, 2017 @ 16:04
By

Sunshine humo-hopia ng Christmas gift kay Timothy

Nang tanungin tungkol sa Christmas gift niya kay Timothy, “Wala! Ako ang dapat regaluhan niya ‘no! Regaluhan niya ako,” ang natawa na sagot ni Sunshine.

Isang taon nang napapanood sa telebisyon ang ‘Ika-6 Na Utos’ at ang bakasyon nila ng pamilya niya sa Amerika ang reward ni Sunshine sa sarili.

“Itong break na ito and recently, I came from Japan, isa rin ‘yon sa mga break ko. Small joys naman ako, makapag-travel lang kahit saglit. Nare-refresh naman ako.”

Kasama si Sunshine sa mga artista ng GMA 7 na mapapanood bukas ng gabi sa ‘Paskong Kapuso: The GMA Christmas Special’.

Binisita nina Sunshine, Dingdong Dantes, Jaclyn Jose, Gabby Concepcion at Ryza Cenon ang Child Haus dahil binigyan nila ng mga Christmas gift ang cancer-stricken children.

Ang one-of-a-kind rendition ng 12 Days of Christmas ang production number ni Ai Ai delas Alas sa ‘Paskong Kapuso’. Ipapakita naman ng cast ng ‘Haplos’ na sina Rocco Nacino, Sanya Lopez, Thea Tolentino at Pancho Magno ang talent nila sa ballroom dance.

Mga Christmas song para sa mga Pilipino na naninirahan sa iba’t ibang bansa ang kakantahin nina Julie Anne San Jose, Christian Bautista, Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?