546

Jan 26, 2021 @ 7:27
By

Sunshine hihiramin si Ion ng isang gabi kay Vice

May pelikula na ang binansagang “Braless Goddess” na si Sunshine Guimary at leading men niya sina Jerald Napoles at Ion Perez.

Super daring at super sexy ang launching movie ni Sunshine na “Kaka” ang titulo na hango sa bugtong na “Nandiyan Na Si Kaka, Bubuka-Bukaka”.

Kaya naman sobra ang pasasalamat niya sa Viva.

“Hindi ko ma-describe ang saya, at pasasalamat sa Viva. Hindi enough ang pasasalamat sa kanila. Dapat suklian ko ‘yon ng 10 times, hindi ko sasayangin ang opportunity na ito. So kung ano ang hinihingi ‘yon ang ibibigay ko,” sey niya sa article ni Abante Entertainment Editor Dondon Sermino.

Kasama niya sa movie ang magagaling na aktres na sina Rosanna Roces, Maui Taylor at Gina Pareno.

Siniwalat naman ni Sunshine na kinabahan siya kay Ion kaya nagpaalam ito kay Vice Ganda na hihiramin muna ang partner ng comedienne.

“Pero, mas dinaga po ako kay Ion. I mean, kung kay Ion lang, I know si Ion mabait, meron na, nasa kanya na lahat, beauty. Pero kay Meme (Vice Ganda), vow kasi ako kay Meme, feeling ko parang, ‘Meme pahiram muna kay Ion.’

“Pagdating kay Meme, parang may wall ako, parang fairy godmother na hihiram ako sa kanya ng leading man, hihiramin ko muna si Ion ng isang gabi lang. Hihingi ako ng basbas,” natatawang kuwento ni Sunshine.

Nakilala ang YouTube vlogger na si Sunshine matapos makakuha ng atensiyon ang kanyang “No Bra Challenge”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?