470

Dec 18, 2017 @ 11:47
By

Sunshine Garcia, napahagulgol sa engagement proposal

Bumaha nang luha ang Instagram account ni Sunshine Garcia nang bumalandra sa kanyang mga followings ang engagement sa kanya ng kasintahang si Alex Castro.

Humagulgol talaga nang iyak ang Banana Sundae cast sa hindi inaasahang marriage proposal sa kanya ni Alex sa harap nang maraming tao sa loob ng bahay.

Mapapanood sa unang video na nag-speech muna si Alex sa harap nang mga taong nakapaligid sa kanya at saka tinawag si Sunshine.

Kikay na kikay pang lumapit si Sunshine na walang kaalam-alam sa mangyayari hanggang sa kinuha ni Alex ang box na naglalaman ng singsing, at nang makita ito ni Sunshine bigla na lang nagtakip ng kanyang mukha ang komedyana at tuluy-tuloy na lumuha.

Halos hindi na nakapagsalita si Sunshine sa dire-diretsong iyak nya at kahit lumuhod na si Alex ay lumuluha pa rin ito.

Nagkamali pa nga sa pagsuot sa daliri ni Sunshine si Alex. Nang maitama ang pagkakasuot ng ring nagyakap ang magkasintahan at saka naghalikan.

Panay ang kantyaw at hiyawan sa kanila ng mga taong tuwang-tuwa sa proposal.

Ginawang two-parts ang posting ng video para maipalabas nang buung-buo ang marriage proposal na ito.

Maiintindihan naman kung bakit super-hagulgol si Sunshine sa engagement dahil hindi na pala nito talaga inaasahan na maikakasal pa sya.

@sunshine_garcia, PART 1, “Ito na ang pinakamagandang Blessing na natanggap ko this year. Grabe din lang ang iyak ko dito talaga palang matatakpan mo ang bibig mo para maiwasan ang paglabas ng teeth mo, at grabe din naman lang ang tatay ko na mas excited pa kay Alex, mas nauna pa siyang magtanong kay Alex eh.

“At sa sobrang taranta nya Alex Castro nilalagay niya yung ring sa pinkie finger ko. Thank you hubby, thank you sa lahat bf friends at family namin na nandyan sa amin..Love you guys! Naiiyak pa din ako tuwing mapapanood ko ito.

“Thank you kasi malapit na ako bumuo ng pamilya na matatawag kong akin.”

Pinoste rin ni Sunshine ang larawan na nakaluhod si Alex habang hawak nito ang singsing at takip-takip pa rin ng dating Sexbomb Girls member ang bibig nya.

@sunshine_garcia, “Yung inakala ko na lagi na lang ako magiging audience kada may magpu-propose at ikakasal. Yung malapit ko ng tanggapin sa sarili ko nab aka hindi para sa akin ang ganitong klaseng love story..

“Hanggang sa dumating ka at binago mo yun..Binigyan mo ako ng LOVE STORY..thank you for loving me,thank you sa pagtupad ng promise mo…Thank you at binalik mo ang pangarap ko na muntik ko ng kalimutan.”

Ilan sa mga natuwa sa proposal na ito ay sina Bella Padilla at Jessy Mendiola na nag-comment sa photo.

Maririnig sa video na binanggit ni Alex na present sa proposal na ito ang buong pamilya niya at pamilya ni Sunshine.

Si Alex nga pala ay Board Member ng Marilao Bulaca. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?