351

By

Sunshine at ex na si Timothy ‘balikan galore’ sa US

Hindi madali pero nagawa ni Sunshine Dizon na ibalik ang friendship nila ng kanyang estranged husband na si Timothy Tan, alang-alang sa kanilang dalawang anak.

As a matter of fact, magkakasama sila na pupunta sa USA sa December 21 para sa Christmas vacation nila kaya nag-advance taping si Sunshine para sa mga eksena niya sa ‘Ika-6 Na Utos’, ang afternoon drama series ng GMA 7.

“Weird ang relationship talaga namin ni Tim from the very beginning. My relationship with Tim started as friends so I think we’ve keep that friendship along the way na kahit may pangit na nangyari, nakakapag-usap pa rin kami na hindi kami kailangan magkasakitan o magkamurahan.

“Kaya namin ‘yon so parang we’ve reached that kind of maturity na okey, this is the situation. Kumbaga, hindi ko na kayang ibalik kung paano tayo dati pero kaya kong respetuhin ka bilang ama ng mga anak ko.

“Na nandito ka sa bahay, inihahatid, sinusundo niya ang mga anak niya from school. Siya ang nag-a-assignment sa mga anak niya and that’s actually a very big help on my side kasi I’m working. Sorry pero wala talagang oras minsan. Siya ang nagpupuno ng pagkukulang ko sa mga anak ko ngayon especially with my work schedule now and I appreciate that.

“So parang ayoko nang guluhin ‘yon kasi okey na. Parang I’m just choosing what’s convenient and what is okay at the moment. Mas okey muna ako doon,” ang pahayag ni Sunshine na tanggap na ang mga naganap sa buhay niya.

“Mas nagtodo ‘yung maturity ko nang mangyari ito. You wake up one day and you realized, you’re alone and you have to survive for your children.

“You have to make better choices in life. Will I allow the situation to actually burden me for a longtime or just let it go right now, do away with whatever you can just to survive? Mas tumibay ako.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?