645

Dec 15, 2017 @ 15:19
By

Sunshine Dizon, laspag na laspag na

Amerika ang destinasyon ni Sunshine Dizon at mga anak ngayong Pasko. Pero kailangan niyang bumalik sa bansa after New Year dahil ratsada siyang muli sa taping ng Ika-6 na Utos.

Inabot na nga ng isang taon ang GMA afternoon series at patuloy pa rin ito sa ere sa 2018. Tuwing taping kasi, forty to fifty sequences per taping ang ginagawa niya.

“They only think it’s glamorous work but it’s hard work, believe me. Ha! Ha! Ha! Super-hard wok talaga.

“And that’s how many times you have to change your clothes, memorize pages and pages of script. Ako, to be honest, ang pahinga ko lang is lunch break, dinner break na minsan, hindi pa ako nakakapag-break sa totoo lang!” pahayag ni Sunshine sa huli naming pag-uusap.

Kumusta naman siya kapag umuuwi?

“Laspag na po ako! Ha! Ha! Ha! To be honest, para akong nag-hibernate everytime na umuuwi ako. Promise. That’s why, sinasabi ko na hindi ko ma-weigh ‘yung benefits kasi pag-uwi ko sa bahay, kahit sabihin mong umuwi ako ng alas-12:00 o maaga-aga, ‘yung pagod parang hindi mo mabawi-bawi.

“Minsan nagha-hibernate ako. Natutulog ako ng 12 to 15 hours. May ganoon talaga,” saad pa ng aktres. (Jun Nardo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?