249

Nov 6, 2017 @ 13:52

Sunshine Cruz rumesbak sa talak ng sekyu ng hotel, spa

Hindi pinalampas ni Sunshine Cruz ang isang security guard ng Canyon Cove Hotel & Spa sa Batangas matapos itong mag-post na suplada at loka raw ang Wildflower actress.

Nasa bakasyon siya kasama ang kanyang mga anak pati na ang dyowa niyang si Macky Mathay at dalawang anak niya nitong All Soul’s Day sa nasabing hotel/spa at nagulat nga raw talaga siya nang mabasa niya ang pagba-bash sa kanya ni Marjorie Mojica.

Lumalabas na hindi siguro nito napagbigyan na magpa-picture dito kaya nag-rant na ito sa kanyang FB. Nanawagan nga si Shine sa security guard na pati na sa pamunuan ng Canyon Cove na respetuhin ang privacy ng kanilang mga guest kahit celebrity pa ito.

Para nga sa kanya, very unprofessional ang pag-atake sa kanya ng empleyado at dapat lang na bigyan ito ng kaukulang aksiyon. Kilala nga bilang mabait artista at tao si Sunshine, pero kapag mali ay marunong itong lumaban.

Mabuti na lang ay nabasa ito ni Sunshine nu’ng nakauwi na sila, or else, baka kung naroon siya ay personal niyang kinausap ang security guard na ‘yun at ang pamunuan ng nasabing hotel/spa.

Eh, kung nabasa rin kaya yun ni Macky sa oras na ‘yun, ano rin kaya sa palagay niya ang magiging reaksiyon nito? ‘Yun ang hindi natin alam, huh! By GLENN REGONDOLA

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?