66

Sep 5, 2020 @ 13:20
By

Sunshine Cruz ‘pinatay’ sa social media

Biktima ng fake news ang aktres na si Sunshine Cruz matapos na kumalat sa Facebook ang rumor na patay na umano ito.

Nag-post sa social media si Sunshine para patunayang mali ang naturang mga report at hinikayat na i-report ang mga nagpapakalat ng naturang post sa social media.

Makikita sa naturang post na binahagi ng isang Facebook account na Rbb Savage, na natagpuan umanong patay si Sunshine sa kanyang kwarti.

“Hindi po ito totoo! Buhay na buhay po ako,” saad ni Sunshine.

https://www.facebook.com/sunshinebcruz0718/posts/169813797957920
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?