378
views
sunshine-cruz

Sunshine Cruz nagladlad ng alindog sa Bora

Sharing is caring!

Hindi kumukupas ang ganda at kaseksihan ni Kapuso Sunshine Cruz.

Sa ipinoste nitong mga larawan sa Instagram, nagpakita ng alindog si Sunshine sa pagtatampisaw sa Henann Palm Beach Resort sa Boracay suot ang pulang one-piece bikini swimsuit.

Nagpalipas ng kanyang weekend sa naturang isla si Sunshine habang hindi pa ito naisasara sa Abril 26 ngayong taon na tatagal ng anim na buwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?