64

By

Sunshine Cruz muling magpapakasal?

Sharing is caring!

Usap-usapan sa social media ang suot na singsing ng actress na si Sunshine Cruz.

Tanong nila kung engaged na raw ba ang aktres sa two years nitong boyfriend na si Macky Mathay. Magsi-celebrate ang couple ng kanilang second anniversary ngayong September.

Mismong si Macky ang nag-post ng picture nila ni Sunshine kung saan kapansin-pansin ang nangungusap na singsing na suot ng actress.

Isang friend ni Sunshine ang nagtanong sa kanya sa Facebook kung engaged na siya. Sumagot ang aktres ng “No.”

Ayon kay Sunshine, marami pa raw na dapat ayusin. Hindi naman daw siya nagmamadaling makasal sila ni Macky.

‘Di pa rin talaga pwedeng pakasal ang dalawa dahil hindi pa tapos ang annulment case nina Sunshine at Cesar Montano. Gayundin si Macky sa kanyang asawang si Camille Farinas-Mathay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?