115

By

Sunshine Cruz balik GMA

Sharing is caring!

Nagbabalik Kapuso si Sunshine Cruz at kasama siya sa cast ng upcoming teleserye titled Karibal Ko Ang Aking Ina. Kasama pa sa cast sina Bea Binene, Bing Loyzaga, Benjamin Alves, Zoren Legaspi, and David Licauco.

Masaya si Sunshine dahil sa pagbalik niya sa GMA-7 pagkatapos ng mahabang panahon. Nagsimula siya bilang isa sa teens ng That’s Entertainment at naging host din siya ng GMA Supershow. Kabilang si Sunshine sa original members ng Bubble Gang. Naging parte rin si Sunshine ng mga GMA series na Valiente, L at Asian Treasures.

“I’m very excited and blessed na nakabalik ako dito kasi hindi lahat, alam na dito talaga ako nagsimula,” ngiti pa ni Sunshine sa story conference ng Karibal Ko Ang Aking Ina.

Excited siyang makatrabaho ulit si Zoren Legaspi dahil mga teenager pa lang daw sila ay nagkakasama na sila sa ilang TV shows at pelikula.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?