722
abante-tonite-teresa-loyzaga-diego-sunshine-cruz
By

Sunshine at Teresa, ex-rivals no more

Dahil sa ‘di planadong bonding nang magkita kamakailan ang dalawang babae na kapwa nagkaroon ng malaking kaugnayan sa buhay ni Cesar Montano na sina Teresa Loyzaga at Sunshine Cruz, hindi malayong mabuo ang magandang pagkakaibigan sa pagitan ng dalawa.

Nagkita kasi sa sina Sunshine at Teresa nang samahan nila ang kani-kanilang anak na sina Angelina at Diego sa isang fashion show.

Nagbeso-beso at nagtsikahan ang dalawang aktres na tila hindi naging magkaribal sa puso ni Cesar nuon. Talaga ngang past is past at parehong naka-move on na sina Shine at Teresa na masaya na sa kani-kanilang buhay ngayon.

Sa pinost na larawan ni Teresa sa Instagram, makikita ang larawan ng tila isang masayang pamilya lalo’t kasama pa sa picture ang magkapatid sa ama na sina Diego at Angelina na halatang happy rin sa instant bonding ng kanilang mga ermat.

At dahil nabitin ang dalawang aktres sa kanilang bonding, hindi malayong masundan ang kanilang pagkikita at kasunod na rin tiyak ang pagsasama nila sa isang proyekto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?