144

Sunshine at Cesar wala ng bisa ang kasal

Sharing is caring!

Na-grant na ng korte ang annulment na isinampa ng aktres na si Sunshine Cruz sa asawang si Cesar Montano.

Nag-file ng annulment si Sunshine sa asawang actor 2014, after niyang magkahiwalay.

Sa entertainment site na Pep.ph unang lumabas na tuluyan ng hiwalay ang mag-asawa.

Sambit sa interbyu ni Sunshine, ng online site: “Sobrang kaiyak. I was crying kanina. Grabe.”

Matagal na nagsama sina Sunshine at Cesar kung saan biniyayaan sila ng tatlong anak na babae — Angelina Isabelle, Samantha Angeline, at Angel Franchesca.

Tanong tuloy ng netizen, ngayong single ng muli si Sunshine, may plano na raw bang magpakasal sila ng boyfriend na si Macky Mathay?

‘Yan ang aabangan ng marami.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }