118

Oct 26, 2020 @ 13:53
By

Sunog sumiklab sa Visayas Avenue

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Visayas Avenue kanto ng Central Avenue, Quezon City ngayong Lunes.

Sa video ng Abante News Online, Oktubre 26, makikita ang makapal na usok at apoy na pinagtutulungang apulahin ng mga residente at mga bumbero.

https://www.facebook.com/mobileabante/videos/904215083693668/

Batay sa volunteer emergency dispatch server TXTFire Philippines, umakyat sa unang alarma ang sunog saktong alas-dose ng tanghali.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?