48

Sunog sumiklab sa UP Shopping Center sa QC

Nasunog ang University of the Philippines (UP) Shopping Center sa Diliman sa Quezon City ngayong Huwebes.

Nabalot ng maitim at makapal na usok ang naturang gusali kaninang umaga.

Makikita sa lugar ang isang kainan na tinayo noon pang 1949, gayundin ang iba pang eatery, computer shops at photocopying services.

Wala pang naiuulat na nasaktan o namatay habang isinusulat ang balitang ito.

Naapula ang apoy bandang alas-nuwebe ng umaga, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Hindi pa rin batid kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?