36

By

Sunog, sumiklab sa residential area sa Tondo

Sharing is caring!

Sumiklab ang isang sunog sa isang residential area sa Tondo, Maynila nitong Biyernes, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Ayon sa inisyal na report, tumama ang sunog sa mga bahay sa Zaragosa Street at Delpan Street sa Tondo dakong alas-5:44 ng hapon.

Agad itong itinaas sa ikalawang alarma, ilang minuto lang ang nakalipas.

Habang isinusulat ang balitang ito ay inaapula pa ng mga bumbero ang apoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?