28

Nov 22, 2021 @ 18:51
By

Sunog sumiklab sa QC; 330 pamilya nawalan ng tirahan

Nasa 330 na pamilya ang apektado habang nasa 120 na bahay ang nasunog sa isang residential area sa barangay Manresa, Quezon City nitong Lunes.

Nasa P150,000 halaga naman ng ari-arian ang napinsala ng sunog.

Ayon sa Bureau of Fire Protection(BFP), itinaas ang sunog sa G. Araneta Avenue corner Sto. Domingo Avenue sa unang alarma bandang ala-1:12 ng hapon.

Idineklarang under control ang apoy bandang alas-2:02 ng hapon at tuluyang naapula ang apoy bandang alas-2:30 ng hapon.

Iniimbestigahan pa ang pinagmulan ng sunog sa 2nd floor ng residential area.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?